Transparency sa bicam ng panukalang pambansang budget, isusulong ni Sen. Imee Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Susulat si Senadora Imee Marcos kina Senate President Chiz Escudero at Senate Committee on Finance para hilingin na maging mas transparent ang Bicameral Conference Committee para sa panukalang 2025 National budget.

Ayon kay Senator Imee, ayaw na niyang maulit ang nangyari sa 2024 budget kung saan nagkaroon aniya ng mga insertions pagdating sa bicam.

Kabilang sa tinukoy ng senador ang higit P12 billion na naipasok sa budget ng Commission on Elections (Comelec) at P26 billion na pondo para sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kapwa pa naman aniya si Senator Imee ang humawak ng panukalang pondo ng Comelec at DSWD.

Hindi rin aniya tutol ang mambabatas sa mungkahi na i-livestream ang bicam.

Tutal rin naman aniya ay naka livestream na rin ang plenary deliberations para sa panukalang budget. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us