Binigyang diin ngayon ni Zambales Rep. Jay Khonghun na sa pagtanggap nila sa hamon ni VP Sara Duterte na sumailalim sa drug test at psychiatric exam ay hindi matatabunan ang tunay na isyu na kinakaharap ngayon ng pangalawang pangulo.
“We are more than willing to take the drug test and psychiatric exam, as the Vice President suggested, but we will not allow her to divert the real issue, which is the allegations of fund misuse and graft and corruption against her. We believe that transparency should go both ways. If she wants to challenge us, she should be ready to face the House Blue Ribbon Committee and testify under oath,” ani Khonghun.
Ayon kay Khonghun, kakasa sila sa hamon ng bise, ngunit kailangan din siyang maging handa na humarap sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee, under oath, para linawin ang umano’y maling paggamit ng inilaang pondo sa kaniyang tanggapan at sa DEPED noong siya pa ang kalihim.
Diin ng Zambales representative, sing bigat lang ng transaparency sa pagiging ‘fit’ o kakayanan na mamuno ng mga public officials ang transparency sa paggastos ng public funds.
“I am prepared to take these tests, and I am sure my colleagues are as well. However, the public deserves the same level of transparency when it comes to the use of public funds, and this can only happen if Vice President Duterte agrees to testify,” diin pa niya.
Paalala naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ang tunay na sukatan ng pamumuno ay nasa pananagutan.
Kaya’t higit sa psychiatric at drug test ay mas dapat maging handa ang bise presidente na humarap at sagutin ang mga akusasyon laban sa paggamit ng pondo ng kaniyang opisina.
“We’re ready for these tests. Let’s schedule it within the next few days. But more than that, we challenge the Vice President to step forward and answer the people’s questions about her office’s budget use. The real test of leadership is accountability, and we hope she’s ready for that,” saad ni Adiong.| ulat ni Kathleen Forbes