Pinabulaanan ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang kumakalat na balita na nag-apruba ang Department of Transportation (DOTr) ng pagtataas ng singil sa paliparan nang hindi dumaan sa mga gabinete.
Ayon kay Sec. Bautista, ang ulat ay pawang kasinungalingan lamang at iginiit nito na ang pagtataas ng singil sa paliparan ay natalakay na sa ilang pagpupulong ng gabinete.
Dagdag pa niya, mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay sumusuporta sa nasabing pagtataas.
Matatandaang nilinaw ng bagong operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sa Setyembre ng susunod na taon pa ipatutupad ang mas mataas na singil sa paliparan.
Magiging PHP390 na ang terminal fee mula sa dating PHP200 para sa mga domestic flights, habang ang singil para sa international flights ay tataas din sa PHP950 mula sa PHP550.| ulat ni Diane Lear