Tulong ng DSWD, para sa lahat — Sec. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na walang pinipili ang kagawaran at binibigyan ng tulong ang lahat ng mga benepisyaryong nangangailangan.

Tugon ito sa isyung binanggit ni Senador Bong Go tungkol sa umano’y pamumulitika sa pamamahagi ng tulong pinansyal ng DSWD.

Sa budget deliberation sa Senado, sinabi ng kalihim na lahat ng nangangailangan ay tinutulungan ng DSWD.

Kailangan lamang aniya na isailalim ito sa pagsusuri ng social worker para matiyak ang kredibilidad ng listahan ng mga benepisyaryo.

“Hindi ho nagiging selective ang departamento natin.  Ang mga social worker ho natin ang sumusuri niyan. Kapag nagbigay ho ang kongresista o kahit sinong partner ng referral list, bine-vet ho nating mabuti iyon,” paliwanag ni Gatchalian.

Dagdag pa ng kalihim, may sinusunod na alituntunin ang mga social worker upang maiwasan ang overlapping ng tulong sa iba pang mga programa ng DSWD.

“Tinitingnan hong mabuti ng ating mga social worker iyan, basta ang assurance ho natin, tatapusin ho natin sa lalong madaling panahon. Naayos na ho namin ang karamihan, binalik lang po namin ang ilang listahan sa mga local government units (LGUs) na nag-refer dahil may ilan na na-payout na namin, at mayroon tayong lock-out period kaya sinisigurado lang ho namin na Oo, tutulungan ho natin pero sisiguraduhin din natin na sumusunod tayo sa alituntunin ng Departamento pagdating sa duplication para hindi nadodoble,” dagdag pa ng kalihim.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Sec. Gatchalian na itinuturing nila ang LGUs bilang mga katuwang sa pagbibigay ng mga serbisyong panlipunan.

“Kailangan nating ituring ang ating mga [lokal] na opisyal bilang mga katuwang sa pagbibigay ng mga serbisyo kundi mas babagal ang proseso dahil tiyak na wala tayong logistics sa bawat local government unit,” pagbibigay-diin ni Sec. Gatchalian.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us