Patuloy ang pagdating ng mga tulong para sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa Lungsod ng Calbayog.
Sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Calbayog, nagbigay ng mga relief pack ang PRU Cares Foundation sa mga naapektuhan ng bagyo. Samantala, kahapon, October 27 namigay naman ng mga relief pack ang Tingog Partylist katuwang ang LGU Calbayog sa mga residente ng Lower Happy Valley.
Ayon sa ulat ng LGU Calbayog, umaabot sa 1,672 na mga mangingisda ang agarang nabigyan ng tulong ng lokal na pamahalaan mula sa mga coastal barangay sa lungsod.
Pahayag ni Mayor Raymund Uy, ang iba’t-ibang collaborative efforts ng LGU at ibang mga organisasyon ay nagpapakita ng commitment ng pamahalaan na agarang makapagbigay ng relief at suporta sa komunidad sa panahon ng krisis at kalamidad.
Sinisiguro naman ng alkalde na sila ay walang humpay na magtatrabaho upang makapagbigay ng suporta at mga resources para sa kapakanan ng lahat ng apektadong indibidwal at pamilya ng Bagyong Kristine. | ulat ni Suzette Pretencio | RP1 Calbayog