Handa na ang DSWD na maglaan ng tulong sa repatriatedFilipino workers na naiipit sa kaguluhan sa Lebanon.
Ayon kay DSWD Spokesperson, Asec. Irene Dumlao, bukod sa tulong na ibibigay ng OWWA at DMW ay aagapay din sila sa mga apektadong OFW sa pamamagitan ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS.
Kasama ang DSWD sa sasalubong sa may 47 OFWs na inaasahang magbabalik bansa mula Lebanon ngayong araw.
Sa kasalukuyan, ina-assess na aniya ng DSWD-NCR ang maaaring karagdagang tulong na ipapaabot sa mga manggagawang Pilipino.
Kabilang na rito ang posibleng pagbibigay ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program lalo’t karamihan sa kanila ay nawalan ng trabaho. | ulat ni Merry Ann Bastasa