Tumataas na presyo ng luya, tinutugunan na ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumikilos na ang Department of Agriculture (DA) para matugunan ang tumataas na presyo ngayon ng luya.

Batay sa price monitoring ng DA, umaabot sa hanggang ₱300 ang kada kilo ng luya sa ilang palengke sa Metro Manila na malayo sa ₱80-₱100 na dating bentahan nito.

Paliwanag ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, posibleng rason dito ay dahil kasama rin ang mga pananim ng luya sa mga naapektuhan din ng mga nagdaang bagyo.

Bukod dito, lumaki rin aniya ang demand ngayon ng industrial users ng luya partikular ang mga gumagawa ng herbal tea.

Inaasahan naman ng DA na bababa rin ang presyo ng luya sa merkado lalo’t may mga papasok na imported na luya mula sa Vietnam at Indonesia.

Katunayan, ngayong Oktubre lamang ay nasa 350 MT ng karagdagang imported na luya ang papasok sa bansa.

Samantala, patutukan naman ng DA ang mga palengke para masigurong hindi nananamantala sa presyuhan ng luya. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us