Turnover para sa bagong liderato ng DILG, isasagawa ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang isasalin ni outgoing Secretary Benhur Abalos ang pamumuno sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa bagong talagang kalihim na si Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla.

Sa abiso ng DILG, isasagawa ang ceremonial turnover para sa bagong kalihim ng DILG mamayang alas-8 ng umaga sa DILG-Napolcom Center sa Quezon City.

Una na ring binati ng DILG ang bagong kalihim matapos pormal na manumpa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kahapon.

Sa pahayag ng DILG, ang malawak na karanasan ni Remulla sa ‘public service’ ay mag-aambag sa mabuting pamamahala sa lokal, kapayapaan, at kaayusan, at kaligtasan ng publiko. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us