Sa hudyat ng sirena, itinaas na ng Marikina LGU ang unang alarma sa Ilog Marikina ganap na alas-4 ngayong umaga.
Ito’y bunsod pa rin ng walang patid na pag-ulang dala ng bagyong Kristine.
Sa pagbabantay ng Radyo Pilipinas, sumampa na sa 15.1 meters ang lebel ng tubig sa ilog.
Nangangahulugang kailangan nang maghanda ang mga residente dito para sa posibleng paglikas.
Patuloy namang nakabantay ang pamahalaang lungsod sa sitwasyon para gawin ang ibayong hakbang. | ulat ni Jaymark Dagala