Nanatiling mapayapa ang unang araw paghahain ng Certoficate of Candidacy (COC).
Ito ay ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperspn PCol Jean Fajardo.
Batay sa report ng Directorate for Operations, wala pa silang na-monitor na mga untoward incident sa bansa.
Matatandaang mas pinaigting ng PNP ang seguridad kasabay ng pagsisimula ng paghahain ng COC ngayong araw kung saan mahigit 36,000 na pulis ang ipinakalat. | ulat ni Diane Lear