Undas 2024, pinaghahandaan na rin ng Valenzuela LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ring maglatag ang Valenzuela local government ng mga paghahanda para sa Ligtas Undas 2024.

Nakipagpulong na si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa department heads at mga punong barangay para sa nalalapit na paggunita ng Undas sa lungsod.

Kasama sa tinalakay ang mga hakbang na kinakailangan upang masiguro ang kaayusan ng lungsod at seguridad ng mga Valenzuelano at dadayo pagpatak ng Nobyembre.

Pinag-usapan din ang paglilinis sa mga sementeryo, paghahanda ng emergency response teams, at pagbibigay ng mga gabay ukol sa mga alituntunin. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us