Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.
Batay sa pinakahuling Labor Force Participation survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 4% ang unemployment rate nitong Agosto mula sa 4.7% noong Hulyo.
Katumbas ito ng 2.07 milyong Pilipino na walang trabaho.
Kaugnay nito, tumaas din ang bilang ng mga employed na nasa antas na 96% nitong Agosto o katumbas ng 49.15 milyong Pilipinong may trabaho o negosyo.
Mas mataas ito sa naitalang 95.3% employment rate noong Hulyo.
Maging underemployed o mga manggagawang hindi napapasweldo nang sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan ay bumaba rin sa 4%.
Kabilang naman sa mga trabahong nakaambag sa pagtaas ng employment rate ang service and sales workers, na may dagdag na higit isang milyon; plant and machine operators and assemblers; elementary occupations at professionals. | ulat ni Merry Ann Bastasa