Mas nais ni Sen. Imee Marcos na idiretso na lang sa korte ang isyu tungkol sa pagpapatupad ng drug war ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Para kay Sen. Imee, kung may sapat nang ebidensya na lumabas sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ay maaari na itong gamitin ng Department of Justice (DOJ) para makapaghain ng kaso.
Sa pamamagitan aniya nito ay mas mabilis na makakamit ang hustisya para sa mga biktima.
Naniniwala ang mambabatas na cmay kakayahan ang DOJ na makabuo ng kaso sa tulong ng CIDG, NBI at iba pa.
Iniiwasan rin aniya ni Sen. Imee na masabihan ng ‘self-serving’ ang Senado at magkabanggaan ang dalawang kapulungan ng Kongreso kung magsasagawa ng sariling pagdinig ang Senado. | ulat ni Nimfa Asuncion