Nagkaloob ng mga bagong sasakyan ang Valenzuela City Government at ng Office ni Senator Win Gatchalian sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Kabuuang 63 WIN Serbisyo Vans ang ipinamigay sa 36 na Public School sa lungsod para magamit sa pangkalahatang pangangailangan sa transportasyon ng mga paaralan
Bawat isang van ay nagkakahalaga ng Php 1,099,900, para sa kabuuang Php 69,293,700.
Ang proyekto ay inisyatiba ni Mayor Wes Gatchalian at ng tanggapan ni Senator Win Gatchalian.
Dahil dito umaasa ang LGU na tiyak nang maaayos ang day-to-day operation ng mga paaralan sa dalawang distrito ng lungsod Valenzuela.| ulat ni Rey Ferrer