Nagkaloob ng mga bagong sasakyan ang Valenzuela City government at ang opisina ni Senator Win Gatchalian sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Kabuuang 63 WIN Serbisyo Vans ang ipinamigay sa 36 na public school para magamit sa pangkalahatang pangangailangan sa transportasyon ng mga paaralan.
Bawat isang van ay nagkakahalaga ng P1,099,900 para sa kabuuang P69,293,700.
Ang proyekto ay inisyatiba ni Mayor Wes Gatchalian at ng tanggapan ni Senator Win Gatchalian.
Dahil dito, umaasa ang LGU na tiyak nang maaayos ang day-to-day operation ng mga paaralan sa dalawang distrito ng lungsod Valenzuela. | ulat ni Rey Ferrer