Tutulak patungong Batangas ang ilang tauhan ng Valenzuela City LGU para tumulong sa nagpapatuloy na Search and rescue at retrieval operations sa lalawigan.
Sa pangunguna ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, nagsagawa na ang Valenzuela Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO) ng strategic briefing para sa ikakasang rescue at retrieval assistance nito.
Kabilang sa ide-deploy ang 20 rescue personnel para tumulong sa rescue and retrieval operations sa mga lugar sa Batangas na lubos na naapektuhan ng landslide at pagbaha na dulot ng bagyong Kristine.
Kasama rin sa deployment ang rescue vehicles, rescue boats, safety gear, drones, at iba pang rescue equipment na makakapagbigay ng agarang tulong. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸 Valenzuela LGU