Viral pares-owner at vlogger na si Diwata sasabak sa politika sa 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinasa na ni Deo Balbuena o mas kilalang si Diwata ang kanyang kandidatura bilang isa sa mga nominee ng isang party-list na sasabak sa Halalan 2025.

Ayon sa kanya, sa ilalim ng Vendors Party-list, sila ay magiging boses ng mga vendor sa buong bansa sa Kamara at iangat ang buhay ng mga Pilipino tulad ng pagtatayo ng mga kooperatiba at pagbibigay ng pwesto sa street vendors.

Biro din nito kung malulok sa Kamara ay magdadala ito ng kanyang unli pares with soft drinks pa.

Si Diwata din ang magiging ika-apat na nominee ng nasabing party-list. Voluntary din daw itong sumali sa Vendors Party-list nung unang nakilala niya ito.

Nakilala si Diwata sa kanyang viral videos at sa kanyang pares overload na pumatok dahil sa unli rice, sabaw, at soft drinks na alok nito sa mga parokyano. Laman din si Diwata ng content ng marami sa mga vloggers. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us