Nananatiling positibo sa “red tide toxin” ang walong baybayin sa bansa.
Sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), umiiral pa rin ang “shellfish ban” sa baybayin ng Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; karagatan ng Daram Island, Zumarraga Island, Irong-Irong Bay; Carigara Bay sa Leyte Island, Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province; Biliran Island sa Biliran Province; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) ay pinagiingat ng BFAR ang publiko sa pagkain ng shellfish na nakukuha sa mga naturang katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.
Samantala, kinumpirma ng BFAR na ligtas na sa red tide ang Maqueda at Cambatutay Bays sa Samar; at Matarinao Bay sa Eastern Samar. | ulat ni Merry Ann Bastasa