Young Guns leaders, nanawagan para sa psychological evaluation ng Bise Presidente

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humirit ang ilan sa miyembro ng Young Guns bloc na isailalim sa psychological evaluation si Vice President Sara Duterte kasunod ng mga nakababahala niyang pahayag.

Kasama na dito ang pag-amin na iniisip niyang pugutan ng ulo ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at hukayin ang labi ng ama nito na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. at itapon sa West Philippine Sea.

Ayon kay House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Representative Jay Khonghun walang matinong tao ang makakaisip at gagawa ng ganitong klaseng pahayag, lalo na mula pa sa mataas na opisyal ng pamahalaan.

“For someone in such a high position to make violent and grotesque threats, even in jest, shows a troubling level of instability,” sabi ni Khonghun.

Kaya kailangan aniya magkaroon ng masusing psychological assessment upang matiyak kung karapat-dapat pa siyang maglingkod sa bayan sa ganitong kritikal na posisyon.

Hindi kasi aniya dapat basta nadadala ng emosyon ang isang lider.

“We cannot afford to have leaders who let their emotions spiral out of control in such a public and extreme manner,” dagdag niya pa.

Sinusugan ito ni Assistant Majority Leader at La Union 1st District Representative Paolo Ortega V at sinabi na ang ganitong uri ng marahas at nakakatakot na mga pahayag ay hindi katanggap-tanggap mula sa kahit sino, lalo na sa isang nakaupong Bise Presidente.

“Malinaw na may malalaking katanungan tungkol sa kanyang estado ng pag-iisip at emosyonal na kalagayan. We urge the Office of the Vice President to consider seeking professional help for Vice President Duterte, as this behavior is deeply concerning and could have serious consequences for our nation’s leadership…The Filipino people deserve leaders who are mentally and emotionally stable, especially during challenging times,” giit ni Ortega.

Hirit pa ni House Assistant Majority Leader at Taguig City Representative Pammy Zamora taliwas na paniniwala at kultura ng mga Pilipino ang pambabastos sa mga namayapa na.

Hindi aniya ito makatao at lalong hindi maka-Filipino.

“Using and disrespecting the dead runs counter to our culture. For us Filipinos, that is a no-no. Ang kawalang-galang sa patay ay hindi makatao at lalong hindi maka-Filipino. Hindi natin ginagawa ‘yan sa sinumang patay, kamag-anak o hindi. In fact, we love our departed. We visit them in their resting places whenever we can,” ani Zamora.

Payo naman ni House Deputy Majority Leader Jude Acidre, imbes na maging isip bata ay umakto bilang isang edukadong indibidwal at ibigay ang respeto sa taumbayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga isyu.

“… These are very serious issues that need to be explained well. Confidential and intelligence funds – by whatever name you call it – are still public funds that are derived from money that every ordinary Filipino pays in the form of taxes. It’s hard-earned money for them,” giit ni Acidre.

Sinabi pa niya na ipinakita ng Bise ang kaniyang pagiging arogante at self-centered dahil imbes na sa isang intelehenteng diskusyon ay idinaan niya ang pagtakas sa isyu sa paninisi ng ibang tao.

“Our most respected VP should stop being childish. She only showed how selfish and self-centered she is. She could not even engage lawmakers in discussions about the CIF and disallowed funds intelligently. And she’s supposed to be a lawyer – only one of unbecoming at that,” diin ni Acidre.

Hamon pa niya na maging ehemplo siya dapat ng mabuting pinuno sa pamamagitan ng paglilinaw sa bukas at hayag na paggastos ng kaniyang tanggapan.

“Resorting to blame game will not solve her problem, most especially her declining ratings. As a leader, she should lead and set the example of how a good leader should be – by making transparent expenditures and disbursements made by her office,” dagdag ni Acidre. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us