Aabot sa ₱23 million na financial aid ang ipinagkaloob ni Deputy Speaker Duke Frasco sa iba’t ibang pribadong ospital sa Cebu.
Ito ay bilang tulong sa mga residente ng ikalimang distrito ng Cebu na kaniyang kinakatawan, na naka-confine sa walong partner hospitals.
“If you are a resident of Cebu’s 5th District and currently confined in any of these partnered hospitals, you may apply for financial assistance through our TeamFrasco office. This program is designed to provide crucial support to individuals in need of financial help during their hospital stay,” saad ni Frasco sa isang social media post.
Tig-apat na milyong piso ang inilaan para sa Mendero Medical Center, Chong Hua Hospital, Mandaue, at Perpetual Succour Hospital para sa mga taga-5th district na nagpapagamot doon.
May tig-₱3 million naman sa Cebu Doctor’s Hospital at UC Medical Center habang tig-₱2 million ang sa Camotes Medical Center & Infirmary at Cebu Velez General Hospital.
May ₱1 million na financial aid naman na magagamit ang mga pasyente mula 5th distict na naka-confine sa Cebu North General Hospital. | ulat ni Kathleen Jean Forbes