₱43 kada kilo ng bigas, mabibili sa Pasig City Mega Market

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala ang mga nagtitinda ng bigas sa Pasig City Mega Market na tatagal hanggang sa Pasko ang murang bigas na kanilang ibinebenta.

Sa katunayan, sinabi sa Radyo Pilipinas ng mga nagtitinda na dalawang linggo bago pa man pulungin ng Department of Agriculture (DA) ang mga Market retailer, nagawa na nilang maibaba sa ₱43 ang kada kilo ng local well-milled na bigas.

Ito’y dahil sa patuloy na pagdating ng suplay mula sa mga lalawigan gaya ng Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Isabela, at Bulacan bago pa man tumama sa bansa ang sunod-sunod na bagyo.

Umaaray lang ang mga nagtitinda ay sa mga imported na bigas na sadyang napakamahal ng presyo kaya’t matumal ang bentahan nito.

Una nang sinabi ng DA na mararamdaman ngayong linggo ang mababang presyo ng bigas na siya ring nagtulak sa kanila na babaan pa sa ₱42 ang ibinebentang bigas sa mga KADIWA store. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us