Tinatayang umabot sa bilang na 1,334,820 na katao ang bumisita sa mga pangunahing sementeryo sa Maynila kahapon, Nobyembre 1, para sa paggunita ng Undas ngayong taon.
Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), nasa 1,095,000 ang nagtungo sa Manila North Cemetery, habang 185,420 naman ang dumalaw sa Manila South Cemetery. Sa La Loma Cemetery, umabot sa 49,300 ang mga bumisita, at 6,100 naman ang nagtungo sa Chinese Cemetery.
Kasamang nagbantay ng MPD ang 46 na police commissioned officers (PCO) at 503 na police non-commissioned officers (PNCO) upang tiyakin ang seguridad sa mga nasabing lugar.
Kung saan nakumpiska ng mga ito sa mga dumalo ang 43 patalim, 1,567 na piraso ng mga flammable materials, 1,654 na sigarilyo, 726 pabango, at ilang bote ng alak.
Sa kabila ng mataas na bilang ng mga dumalo, naging generally peaceful ang okasyon sa lahat ng sementeryo, ayon sa kapulisan. | ulat ni EJ Lazaro