1,000 ambulant vendors sa QC, tumanggap ng Pamaskong Handog sa LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng Quezon City Local Government ang taunang gift-giving nito o ang pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa mga vulnerable sector sa lungsod.

Kabilang sa nakatanggap ng Pamaskong Handog ang nasa 1,000 tindero at tinderang QCitizen sa District 1.

Laman nito ang grocery packs na sakto pang-Noche Buena ngayong nalalapit na Pasko.

Pinangunahan nina District 1 Representative Arjo Atayde, Councilor Dorothy Delarmente, Councilor Bernard Herrera, Councilor TJ Calalay, Councilor Charm Ferrer, Councilor Joseph Juico, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at Gab Atayde ang pamamahagi ng grocery packs.

Una na ring namahagi si Mayor Joy Belmonte ng Pamaskong Handog sa senior citizens mula sa Ikalawang Distrito, at sa mga ambulant vendors at informal workers mula sa Ikatlong Distrito.

Patuloy na mamamahagi ang QC ng Pamaskong Handog sa mga mamamayan ng lungsod, lalo na sa mga bahagi ng vulnerable sectors. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us