Nasa 11 barangay sa Mandaluyong City ang ginawaran ng 2024 Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Pinangunahan ni Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at DILG-Mandaluyong City Director Mary Ann Planas ang paggawad ng parangal sa mga nasabing barangay.
Ayon sa DILG, ang mga barangay ng Addition Hills, Barangka Drive, Barangka lbaba, Namayan, New Zaniga, at Plainview ay naipasa ang tatlong core governance areas at tatlong essential governance areas.
Samantala, ang mga barangay ng Hagdang Bato Itaas, Hagdang Bato Libis, Daang Bakal, Wack-Wack, at Old Zaniga naman ay naipasa ang kinakailangang tatlong core governance areas at dalawang essential governance areas. Ikinatuwa naman ng Pamahalaang Lungsod ang nakamit na parangal ng mga nasabing barangay na nagpapatunay sa kahusayan ng mga ito sa paghatid ng serbisyo publiko. | ulat ni Diane Lear