Nagbabala si Governor Helen Tan at si PDRRM Officer Dr. Melchor Avenilla, Jr. na posibleng makaranas ng 2.1 hanggang 3 meters na storm surge ang mga bayan sa lalawigan ng Quezon na dala ng Super Typhoon Pepito.
Sa live monitoring and response kanina, kabilang sa pinaghahanda ang mga bayan ng Infanta, Agdangan, Buenavista, Burdeos, Catanauan, General Luna, General Nakar, Guinayangan, Jomalig at pati na rin ang Lungsod ng Lucena.
Binigyang-diin pa ni Dr. Avenilla na kahit hindi direktang maglandfall ang Bagyong Pepito sa Quezon, mararanasan pa rin ang hagupit nito dahil sa lawak ng diametro nito at lakas na 195kph sustained winds at pagbugso na 240kph.
Samantala, bandang alas 8 ng gabi ay may halos 2,000 pamilya o mahigit 7,000 indibidwal ang kaagad ang kaagad nang nagtungo sa iba’t-ibang evacuation centers sa buong lalawigan ng Quezon.
Ito ay base sa ulat ng Quezon Provincial Social Welfare and Development Office sa Facebook Live Broadcast kanina.
Samantala dito Sa Lungsod ng Lucena, ngayong alas nuebe ng gabi pinairal rin ang forced evacuation partikular para sa mga residente ng mga coastal barangay- ang Barra, Ransohan, Dalahican at Talao-talao.
Una nang naglabas ng babala ang Pag asa na isa ang Quezon sa posibleng dumanas ng 3 metrong storm dulot ng Super Typhoon Pepito.| via Carmi Isles| RP1 Lucena