Inaasahan ng dalawang international bank na makakamit ng Pilipinas ang paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ngayong taon.
Ayon sa CITI Research, tinatayang nasa 5.8 percent ang GDP growth ngayon taon habang nasa 6 percent naman sa taong 2025.
Ayon sa CITI malaki ang magiging impact ng bagong batas na CREATE MORE at rate cuts ng Bangko Sentral ng Pilipinas para itulak ang economic growth.
Habang ang Singapore-based DBS Bank ay naniniwala na dahil sa bumababang inflation at interest rates ay inaasahan ang paglakas ng consumer spending at private investments kaya makakamit ng bansa ang 6 percent growth ngayon taon.
Sa pagtaya ng DBS Bank, inaasahan nila ang growth momentum hanggang sa taong 2025 kung saan magpapatuloy ang pagbaba ng inflation na magdudulot ng pagtaas ng purchasing power at ang positibong epekto ng rice tarrif cut sa pagbaba ng food inflation. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes