Nakatutok ang Inter-Agency Council Cell (IACC) ng National Disaster Risk Reduction and Management Counil (NDRRMC) sa epektong dulot ng bagyong Marce sa hilagang Luzon.
Batay sa inisyal na ulat as of 8am, isolated na ang dalawang sitio sa bayan ng Adams sa Ilocos Norte dahil sa pagguho ng lupa at pag-apaw ng ilog.
Sa Cordillera naman, tinutugunan na ang pangangailangan para sa karagdagang family food packs sa mga lalawigan ng Apayao at Mountain Province.
Mahigpit ding binabantayan ang Abra River na napaulat ding tumaas ang lebel kaninang alas-3:30 ng umaga subalit inaasahang bababa na matapos tumila ang ulan.
Batay sa pinakahuling datos mula sa PAGASA, namataan ang bagyong Marce sa katubigang bahagi ng Pasuquin sa Ilocos Norte. | ulat ni Jaymark Dagala