Ika-29 na batch ng mga Pilipino repatriates mula Israel, nakauwi na sa bansa

Balik Pilipinas na ang nasa 76 na mga Pinoy repatriates mula sa Israel kasunod ng mga nararanasang sigalot sa Gitnang Silangan. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), hindi maitago ng mga Pinoy repatriate ang kanilang saya nang makalapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City ang sinasakyan nilang eroplano.… Continue reading Ika-29 na batch ng mga Pilipino repatriates mula Israel, nakauwi na sa bansa

Chief of Staff ng OVP, pina-contempt ng House Blue Ribbon Committee

Na-contempt si Undersecretary Zuleika Lopez, chief of staff ng Office of the Vice President (OVP) sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Blue Ribbon Committee, Miyerkules ng gabi. Sa mosyon ni Deputy Minority Leader France Castro, kaniyang tinukoy ang paglabag ni Lopez sa Section 11 (f) ng House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of… Continue reading Chief of Staff ng OVP, pina-contempt ng House Blue Ribbon Committee

Bilang ng indibdiwal na apektado ng bagyong Nika, Ofel, at Pepito, higit apat na milyon na — DSWD

Sumampa pa sa isang milyong pamilya o katumbas ng apat na milyong indibidwal na apektado ng pananalasa ng Bagyong Nika, Ofel, at ng Super Typhoon Pepito ayon sa Department of Social Welfare and Development. Batay sa tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of 6am, aabot pa sa higit 50,000 na… Continue reading Bilang ng indibdiwal na apektado ng bagyong Nika, Ofel, at Pepito, higit apat na milyon na — DSWD

Pagbangon ng mga sinalanta ng bagyong Pepito, sentro ng gagawing pagpupulong ng NDRRMC response cluster ngayong araw

Magpupulong ngayong araw ang response cluster ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ito’y para higit na palakasin ang recovery efforts ng pamahalaan sa mga komunidad na sinalanta ng bagyong Pepito. Ayon sa NDRRMC, kabilang sa mga tinututukan ngayon ang pamamahagi ng shelter repair kits, hygiene kits, solar lamps, family food packs, at… Continue reading Pagbangon ng mga sinalanta ng bagyong Pepito, sentro ng gagawing pagpupulong ng NDRRMC response cluster ngayong araw

AFP, nagpaliwanag sa presensya ng US Forces sa Task Force Ayungin

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbibigay ng technical assistance ang dahilan kaya’t naka-deploy ang mga sundalong Amerikano sa Western Command. Ito ang reaksyon ng AFP matapos kumpirmahin ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III ang presensya ng US forces sa tinawag na Task Force Ayungin. Ayon kay AFP Public Affairs… Continue reading AFP, nagpaliwanag sa presensya ng US Forces sa Task Force Ayungin

DSWD, nagpadala ng ikalawang batch ng relief assistance sa Catanduanes

Naipadala na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ikalawang batch ng relief assistance nito sa isla ng Catanduanes na labis na napuruhan ng Bagyong Pepito. Isinakay sa C-130 ng Philippine Air Force ang nasa 700 family food packs (FFPs) na bahagi ng tuloy-tuloy na relief efforts sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.… Continue reading DSWD, nagpadala ng ikalawang batch ng relief assistance sa Catanduanes

Isyu sa PNP promotions, tutugunan ni DILG Sec. Remulla

Nangako si Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na aaksyunan ang isyu sa promotion sa Philippine National Police (PNP), kabilang ang CSC rule kung saan nakasaad na eligible para sa promotion kada tatlong taon ang mga police personnel. Ayon sa kalihim, dahil sa alintuntuning ito, tila naging ‘bloated’ na ang PNP at ang… Continue reading Isyu sa PNP promotions, tutugunan ni DILG Sec. Remulla

Overseas Mega Job Fair, bubuksan sa Caloocan City ngayong araw

Aarangkada ngayong araw sa Caloocan City ang isang eksklusibong Overseas Mega Job Fair para sa mga naghahanap ng trabaho abroad. Hinikayat ni Caloocan City Mayor Dale Malapitan ang mga jobseeker na maghanda na ng madaming resume at dumalo sa job fair na gaganapin sa Caloocan City Sports Complex, simula mamayang alas-9 ng umaga hanggang alas-4… Continue reading Overseas Mega Job Fair, bubuksan sa Caloocan City ngayong araw

Panibago at mas makataong istratehiya sa kampanya kontra iligal na droga, pinaplantsa na ng PNP

Isinasapinal na ng Philippine National Police (PNP) ang makabago at human rights based na istratehiya sa kampaniya nito kontra iligal na droga Ito’y ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ay sa pamamagitan ng kanilang Anti-Illegal Drug Campaign Roadmap 2024-2028. Binigyang-diin ng PNP chief na sa ilalim ng bagong istratehiya, paiigtingin pa rin… Continue reading Panibago at mas makataong istratehiya sa kampanya kontra iligal na droga, pinaplantsa na ng PNP

Tabang Bicol, Tindog Oragon relief caravan, pangungunahan ni Speaker Romualdez ngayong araw

Biyaheng Bicol si Speaker Martin Romualdez at iba pang miyembro ng Kamara ngayong araw upang personal na ipaabot ang tulong sa mga taga-Bicol na lubhang naapektuhan ng Super Typhoon Pepito. Unang tutungo ang House Speaker sa Catanduanes na siyang ground zero ng bagyo. Sunod naman na mamamahagi ng ayuda sa Legazpi City, Naga City at… Continue reading Tabang Bicol, Tindog Oragon relief caravan, pangungunahan ni Speaker Romualdez ngayong araw