Senador Bong Go, tinangging kaibigan niya ang drug suspect na si Allan Lim

Pinabulaanan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kaibigan niya drug suspect na si Allan Lim. Ayon kay Go, galit sila sa droga at galit sila sa mga drug lord kaya naman imposibleng maging kaibigan niya si Lim. Sa presentasyon kasi ni PDEA Deputy Director for Operations Assistant… Continue reading Senador Bong Go, tinangging kaibigan niya ang drug suspect na si Allan Lim

P10-B na naibalik para sa modernisasyon ng AFP, ikinatuwa ni Senador bato dela Rosa

Malaki ang pasasalamat ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at naibalik sa P50 billion ang alokasyong pondo para sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa susunod na taon. Matatandaang sa bersyon ng Kamara ng budget bill ay natapyasan ng P10 billion ang AFP modernization program at ginawa na lang P40 billion.… Continue reading P10-B na naibalik para sa modernisasyon ng AFP, ikinatuwa ni Senador bato dela Rosa

Bataan solon, humingi ng paumanhin dahil sa kanyang pananahimik noong talamak ang misogynistic remarks ni FPRRD

Giit ng mambabatas, walang puwang sa lipunan ang pagiging astig at mapang-insultong lider. Humingi ng paumanhin sa mga kababaihan at LGBTQ community si House Committee on Women and Gender Equality at Bataan Rep. Geraldine Roman sa kanyang ginawang pananahimik noong nakaraang administrasyon. Ginawa ni Roman ang pahayag sa pagdinig ng panukalang amyenda sa Safe Spaces… Continue reading Bataan solon, humingi ng paumanhin dahil sa kanyang pananahimik noong talamak ang misogynistic remarks ni FPRRD

UAE President, personal na inimbitahan ni Pangulong Marcos na bumisita sa Pilipinas

Personal na inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan na bumisita sa Pilipinas. Matapos ang produktibong working visit sa UAE, sinabi ng pangulo na umaasa siya sa pagpapatuloy ng dayalogo ng UAE at Pilipinas, upang mapalawak pa ang kooperasyon ng dalawang bansa. Pinagtibay din ni Pangulong Marcos… Continue reading UAE President, personal na inimbitahan ni Pangulong Marcos na bumisita sa Pilipinas

Burea of Treasury, nakapagtala ng  budget surplus sa buwan ng Oktubre

Nakapagtala ang administrasyong Marcos ng fiscal surplus na P6.3 bilyon noong Oktubre, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr). Ang positibong balanse sa badyet ay resulta ng mas mataas na koleksyon ng kita at mas mabagal na paglago ng gastusin ng pamahalaan. Ayon sa BTr, ang surplus na ito ay isang malaking pagbangon mula sa… Continue reading Burea of Treasury, nakapagtala ng  budget surplus sa buwan ng Oktubre

Foreign investors, hindi masyadong pinapansin ang kasalukuyang ingay sa politika sa Pilipinas, ayon sa pamahalaan

Hindi nakikita ng Department of Finance (DOF) na makakaapekto sa pagpasok ng pamumuhunan sa Pilipinas o sa mismong ekonomiya ng bansa ang nararanasang ingay sa politika nito. “Iyong Philippines mayroong political noise talaga, especially nandidito tayo, mas alam natin. Pero actually iyong foreign investors, mas insulated sila dito sa political noise. Of course, may mga… Continue reading Foreign investors, hindi masyadong pinapansin ang kasalukuyang ingay sa politika sa Pilipinas, ayon sa pamahalaan

Pangulong Marcos, umaasa na mas maraming Pilipino ang tatangkilik sa musika ng Pilipinas

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas maraming Pilipino ang kikilala sa potensyal ng tugtuging Pilipino at sa mga mang-aawit ng bansa. Sa Gintong Parangal sa Malacañang kung saan binigyang pagkilala ang pitong chorale groups na nakapag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas, sinabi ng Pangulo na umaasa ang Palasyo na sisimulan ng pagkilalang… Continue reading Pangulong Marcos, umaasa na mas maraming Pilipino ang tatangkilik sa musika ng Pilipinas

Senado, manghihingi ng paliwanag mula sa mga kongresista tungkol sa layunin AKAP program

Nilatag ni Senate Committee on Finance Chairperson Senadora Grace Poe ang mga napuntahan ng P39 billion na alokasyon para sa Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program ng DSWD na hindi pinaglaanan ng pondo ng Senado sa kanilang bersyon ng 2025 general appropriations bill (GAB). Ayon kay Poe, kabilang sa mga pinaglagyan nila ng pondo… Continue reading Senado, manghihingi ng paliwanag mula sa mga kongresista tungkol sa layunin AKAP program

Pagbuo sa Inter-agency Committee on International Humanitarian Law, ipinag-utos ng Palasyo

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatatag ng Inter-agency Committee on International Humanitarian Law (IHL). Ang International Humanitarian Law ay ang legal na pamantayan para sa proteksyon ng mga indibidwal na hindi direkta o hindi na aktibong nakikibahagi sa mga digmaan at armadong pakikibaka. Sa bisa ng Executive Order no. 77, nakasaad na alinsunod… Continue reading Pagbuo sa Inter-agency Committee on International Humanitarian Law, ipinag-utos ng Palasyo

Pagmamaliit ni VP Sara Duterte sa LGBTQ community nang tawagin niyang “bakla” ang mga pulis, pinuna

Sinabi ni Deputy Minority Leader at Act Teachers Party-list Representative France Castro, na maituturing na pambabastos at pagmamaliit sa LGBTQ community ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa mga pulis kamakailan. Sa pagdinig ng House Committee on Women and Gender Equality sa draft committee report para sa panukalang mas mabigat na parusa sa mga… Continue reading Pagmamaliit ni VP Sara Duterte sa LGBTQ community nang tawagin niyang “bakla” ang mga pulis, pinuna