Dating Sen. De Lima, sumama sa paglulunsad ng ‘Duterte Panagutin’ Campaign Network

Sumama na si dating Senator Leila de Lima sa mga pangunahing personalidad na naglunsad ng ‘Duterte Panagutin’ Campaign Network.  Ang campaign network na ito ay binubuo ng iba’t ibang civil society group na naghahangad ng katarungan at hustisya kaugnay sa mga pang-aabuso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, noong siya ay nasa kapangyarihan.  Sabi ni De… Continue reading Dating Sen. De Lima, sumama sa paglulunsad ng ‘Duterte Panagutin’ Campaign Network

OVP, hindi nakapagsumite ng justifiacation para sa hiling na dagdag budget kaya hindi naaprubahan ng Senado

Pinaliwanag ni Senate Committee on Finance chairperson Senadora Grace Poe na hindi nakapagbigay ng justification o formal request ang Office of the Vice President (OVP) para madagdagan ang kanilang panukalang budget sa susunod na taon. Ito ang dahilan kaya pinanatili ng Senado sa P733 million ang OVP budget kanilang bersyon ng budget bill. Pareho ito… Continue reading OVP, hindi nakapagsumite ng justifiacation para sa hiling na dagdag budget kaya hindi naaprubahan ng Senado

Pera mula sa POGO, ginagamit para sa paninira ng mga troll sa Quad Comm

Binatikos ni Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers ang paggamit ng pera mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), at drug syndicates sa pag-operate ng mga troll para siraan ang komite at takutin ang mga witness. “Patuloy ang paninira ng mga trolls na bayad ng POGO at drug money, sa mga miyembro at mga… Continue reading Pera mula sa POGO, ginagamit para sa paninira ng mga troll sa Quad Comm

Pagkakatalaga sa pwesto ni DTI Secretary Ma. Cristina Roque, lusot na sa CA

Inaprubahan na ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga sa pwesto ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque. Naitalaga sa pwesto si Roque nitong Agosto ng taong ito. Sa committee hearing ng CA, kabilang sa mga pinahayag ni Roque na inaasahan niyang madadagdagan ang papasok na international investments sa Pilipinas matapos… Continue reading Pagkakatalaga sa pwesto ni DTI Secretary Ma. Cristina Roque, lusot na sa CA

Quinta Committee, target mailapit ang presyo ng bigas nang hanggang P20 kada kilo

Sisikapin ng Murang Pagkain Supercommittee ng Kamara na mailapit ang presyo ng kada kilo ng bigas sa P20. Sabi ni overall committee Chair Joey Salceda, target na masolusyunan ng komite na ibaba pa ang presyo ng kada kilo ng bigas na katumbas ng 22% ng kabuang gastos ng mga mahihirap na kabahayan, at ng pagkain… Continue reading Quinta Committee, target mailapit ang presyo ng bigas nang hanggang P20 kada kilo

Paglilipat kay Televangelist Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail, tuloy sa kabila ng pagkontra ng kampo nito

Tuloy ang paglilipat sa Televangelist na si Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail buhat sa Philippine Heart Center sa Quezon City. Ito ay ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Jean Fajardo sa kabila ng paghahain ng motion for reconsideration ng kampo ni Quiboloy sa korte hinggil dito. Tapos na kasi ngayong… Continue reading Paglilipat kay Televangelist Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail, tuloy sa kabila ng pagkontra ng kampo nito

Pilipinas, kaisa ng Palestine sa pagsusulong ng pang matagalang kapayapaan at pag-unlad

Kaisa ang Pilipinas ng buong mundo sa obserbasyon ng International Day of Solidarity with the Palestinian People. “The Philippines joins the international community in commemorating the International Day of Solidarity with the Palestinian People.” —Pangulong Marcos Jr. Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na nakatindig ang Pilipinas at nakasuporta sa mga mamamayan ng Palestine, sa… Continue reading Pilipinas, kaisa ng Palestine sa pagsusulong ng pang matagalang kapayapaan at pag-unlad

Pagdeklara ng Tara, Basa! Tutoring program bilang flagship program ng gobyerno, welcome sa DSWD

Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paglalabas ng Executive Order (EO) 76 ng Malacan̈ang na nagdedeklara sa Tara, Basa! Tutoring Program bilang flagship program ng pamahalaan. Sa isang pahayag, nagpasalamat si DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkilala sa educational assistance program na inisyatibo… Continue reading Pagdeklara ng Tara, Basa! Tutoring program bilang flagship program ng gobyerno, welcome sa DSWD

AFP Deputy Chief-of-Staff Lt. Gen. Larida, tiniyak na walang anumang ‘grumbling’ sa hanay ng militar sa gitna ng mga isyu sa pulitika ngayon

Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang anumang pag-aalburoto sa hanay ng mga sundalo sa kabila ng mainit na sitwasyon sa pulitika ngayon.  Sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) para sa kumpirmasyon sa promosyon ng 22 opisyal ng militar, sinabi ni AFP Deputy Chief-of-Staff Lt. Gen. Jimmy Larida, na 100 percent… Continue reading AFP Deputy Chief-of-Staff Lt. Gen. Larida, tiniyak na walang anumang ‘grumbling’ sa hanay ng militar sa gitna ng mga isyu sa pulitika ngayon

Impeachment case laban kay VP Sara Duterte, hinog na hinog na ayon kay dating Sen. Trillanes

Hinog na hinog at nasa tamang panahon na ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ayon kay dating Sen. Antonio Trillanes IV. Sa ambush interview kay Trillanes nang dumating sa Quad Committee, natanong ito kung panahon na bang ipa-impeach ang pangalawang pangulo. Giit niya, kitang kita naman ang red flags at pagiging unfit… Continue reading Impeachment case laban kay VP Sara Duterte, hinog na hinog na ayon kay dating Sen. Trillanes