Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang re-assignment sa 3 heneral nito.
Epektibo ngayong araw, manunungkulan na bilang bagong pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si PBGen. Anthony Aberin.
Papalitan ni Aberin si PMGen. Sidney Hernia na inilipat naman bilang pinuno ng Area Police Command – Southern Luzon.
Bago italaga sa NCRPO, nagsilbi muna si Aberin bilang Regional Director ng Police Regional Office 7 na nakabase sa Cebu.
Mula naman sa PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), inilipat naman si PMGen. Ronnie Francis Cariaga sa Area Police Command – Northern Luzon.
Una rito, isinailalim sa Administrative Relief sina Hernia at Cariaga dahil sa ikinasang operasyon sa tinaguriang “mother of all scam hub” sa Lungsod ng Maynila noong Oktubre a-31 dahil sa umano sa iregularidad.
Samantala, mula sa PNP Academy (PNPA), babalik naman si PBGen. Arnold Ardiente bilang pinuno ng Police Regional Office 12. | ulat ni Jaymark Dagala