3 indibidwal na nagpapanggap na kinatawan ng lehitimong recruitment agency, sasampahan ng kaso ng DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sasampahan ng kaso ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tatlong indibidwal na sangkot sa panloloko ng 42 mga Pilipino.

Ito ang inihayag ni DMW Undersecretary Bernard Olalia sa pulong balitaan sa Mandaluyong City.

Ayon kay Usec. Olalia, ang tatlo ay nagpanggap na kinatawan ng license recruitment agency upang mag-alok ng pekeng trabaho sa ibang bansa bilang fruit pickers sa New Zealand at Canada.

Ginawa ang modus sa mga biktima sa pamamagitan ng social media at inakit ang mga ito ng suweldo na nasa P30,000 hanggang P80,000 kada buwan.

Pinagbayad pa ang mga biktima sa pamamagitan ng GCash para sa kanilang placement fee.

Matapos matuklasan ang panloloko, nagbigay ang DMW ng agarang tulong sa mga biktima tulad ng hotel accommodation, pagkain, at transportasyon habang isinasaayos ang kanilang mga pahayag bilang bahagi ng pagsasampa ng kaso.

Kasong large scale illegal recruitment at syndicated estafa ang isasampa laban sa mga suspek dahil natuklasan na marami na umanong nabiktima ang mga ito sa buong bansa.

Tiniyak ni Olalia, na hindi palalampasin ng DMW ang ganitong modus na sumisira sa ligal na sistema ng recruitment sa bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us