Tinanggal sa puwesto ang tatlong tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group matapos mahuli na pinakialaman ang mga CCTV camera sa panahon ng pagsalakay sa Century Peak Tower sa Malate, Manila.
Ayon kay PNP-ACG Director Police Major General Ronnie Francis Carriga, agad na sinuspinde ang mga pulis habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Batay sa inisyal na impormasyon, pinatayan umano ng aircon at elevator ang mga nag-raid na pulis para mahirapan ang mga itong umakyat sa ika-23 palapag ng gusali.
Dahil sa matinding init at pagod, napilitan umanong tanggalin ng mga pulis ang kanilang mga damit, at upang hindi sila makita sa CCTV iniwas nila ang mga camera.
Sa ngayon, inilipat na sa Personnel Holding and Accounting Section ang mga pulis na sinibak. | ulat ni Diane Lear