Ipinananawagan ni Berna Razon, 80-anyos, ang kanyang anak na si Jo-Ann Razon, 47-anyos, matapos itong mawala kahapon sa kanilang pagpunta sa Manila North Cemetery.
Kahapon pa pinaghahanap ni Ginang Razon ang nawawalang anak nang dinalaw nito ang isa pa niyang anak na namayapa na.
Tumutulong na rin ang Manila Police District (MPD) sa paghahanap pero hanggang sa ngayon ay hindi pa nila ito natutunton.
Wala rin umanong cellphone at hindi marunong umuwi si Jo-Ann nang mag-isa, ayon sa kanyang magulang.
Para sa impormasyon sa kinaroroonan ni Jo-Ann maaaring makipag-ugnayan sa MPD Hotlines: 8523-3378 / 09199950976 / 09178992092.| ulat ni EJ Lazaro