Sa kabila ng pagtutok sa mga bagyong Ofel at Pepito, hinikayat pa rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lahat na patuloy na paghandaan ang pinsalang dulot naman ng malakas na lindol.
Ito’y sa ika-4 na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na gagawin sa Camiguin Provincial Sports Complex sa bayan ng Mambajao, ganap na alas-2 ng hapon ngayong araw.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), nakasentro sa gagawing simulation ang pinsalang dulot ng pagkakaroon ng tatlong metrong taas na tsunami sakaling tumama sa karagatan ang Magnitude 6.8 na lindol sa Camiguin at karatig lalawigan nito.
Dito, sasanayin ang mga lalahok sa isang scenario hinggil sa Intensity 6 na pagyanig kung saan, maaari itong magdulot ng rock slide, pagguho ng lupa, at pagkasira ng mga gusali.
Kilala bilang Island Born of Fire, binubuo ang Camiguin ng pitong bulkan kung saan, pinaka-aktibo rito ang Bulkang Hibok-hibok na ngayon ay nasa Alert Level 1. | ulat ni Jaymark Dagala