Kinakalinga na ngayon ng Philippine Ports Authority (PPA) ang 568 na mga pasahero matapos magkansela ng byahe ang mga shipping lines dahil sa bagyong Nika.
Sa report ng PCG, ang naturang mga pasahero, drivers, at helpers ay namamalagi sa 12 pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nagkansela kasi ng byahe ang mga barko bunsod ng epekto ng bagyong Nika.
Kabilang sa mga ito ay ang:
- Real Port
- Port of San Andres
- Port of Lucena
- Port of Atimonan
- Romblon Port
- Calapan Port
- Muelle Port
- Balanacan Port
- Tabaco Port
- Virac Port
- Pasacao Port
- Calaguas Island
| ulat ni Mike Rogas