AFP Deputy Chief-of-Staff Lt. Gen. Larida, tiniyak na walang anumang ‘grumbling’ sa hanay ng militar sa gitna ng mga isyu sa pulitika ngayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang anumang pag-aalburoto sa hanay ng mga sundalo sa kabila ng mainit na sitwasyon sa pulitika ngayon. 

Sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) para sa kumpirmasyon sa promosyon ng 22 opisyal ng militar, sinabi ni AFP Deputy Chief-of-Staff Lt. Gen. Jimmy Larida, na 100 percent siyang nakatitiyak na walang ano mang namumuong posibleng pag-aaklas sa kanilang hanay.

Ito ang naging tugon ni Larida sa tanong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kung may naririnig ba siyang anumang ‘grumblings’ sa mga sundalo sa gitna ng tensyon ngayon sa pulitika.

Pinaalalahanan naman ni Estrada ang mga sundalo, na dapat silang manatiling tapat sa konstitusyon.

Inaprubahan na ng CA Committee on National Defense ang promosyon ni Larida bilang Lt. General at ang 21 pang opisyal ng AFP, kasama na dito ang kapatid ni Estrada na si Jude Ejercito sa ranggong Brigadier General bilang reserve officer. 

Samantala, tuluyan nang ni-reject ng panel ang promosyon ni dating TESDA Director General Suharto Mangudadatu sa ranggong Colonel bilang reserve officer.

Ito ay matapos siyang apat na beses na ma-bypass dahil sa kabiguan niyang tumugon sa mga kailangang dokumento para sa promosyon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us