Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbibigay ng technical assistance ang dahilan kaya’t naka-deploy ang mga sundalong Amerikano sa Western Command.
Ito ang reaksyon ng AFP matapos kumpirmahin ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III ang presensya ng US forces sa tinawag na Task Force Ayungin.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad, kabilang sa mga ibinibigay na technical assistance ng mga sundalong Amerikano ay ang infomation-sharing sa Command and Control Fusion Center sa Western Command.
Binigyang-diin pa ni Trinidad na malaking tulong ito sa maritime domain awareness ng Pilipinas na nagagamit sa pagpaplano gayundin sa pagpapatupad ng mga programa at aktibidad na layong protektahan ang interes ng bansa sa West Philippine Sea.
Magugunitang sa naging pagbisita ni Austin sa Palawan, pinasalamatan niya ang mga tropa ng Amerika sa kanilang trabaho para sa kanilang bayan at mga kaalydo sa rehiyon. | ulat ni Jaymark Dagala