Agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng Super Bagyong Pepito sa Catanduanes, tiniyak ng OCD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Office of Civil Defense (OCD) sa mga lokal na pamahalaan sa Catanduanes para sa maayos na pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng Super Bagyong Pepito.

Ito’y ayon kay OCD OIC Assistant Secretary for Operations Cesar Idio, matapos padapain ng Super Bagyo ang naturang lalawigan kung saan, naging pahirapan ang komunikasyon na siyang malaking hamon para sa relief operations.

Gayunman, tiniyak ni Idio ang agarang pagtugon ng ahensya sa pangangailangang labis na naapektuhan ng super bagyo.

Dahil tatagal na lamang ng dalawang araw ang kasalukuyang suplay ng family food packs sa Catanduanes, sinabi ni Idio na magpapadala ang DSWD ng 10 libong karagdagang food packs mula sa Cebu na nakadepende sa magiging lagay ng panahon.

Handa na rin ang mga asset ng pamahalaan, partikular na mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa agarang paghahatid ng suplay.

Samantala, sinabi naman ni OCD Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno na susubukan bumyahe ngayong araw ng emergency response team ng Department of Energy para sa pagbabalik ng kuryente sa naturang lalawigan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us