Air Force, nakatutok naman sa pagtulong na makabangon ang mga sinalanta ng kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Air Force (PAF) sa mga kababayang sinalanta ng sunod-sunod na bagyong dumating sa bansa.

Matapos ang paglilikas sa mga apektadong idibidwal, naghatid din ng tulong ang Disaster Response Task Unit ng PAF katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Tarlac.

Kabilang sa mga nahatiran ng tulong ang mga katutubong aeta na una nang inilikas bago pa man manalasa ang nagdaang Super Bagyong Pepito.

Samantala, nagsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) at relief operations ang Tactical Operations Group 2 ng Air Force sa Northern Luzon.

Katuwang ang NDRRMC Regional Office 2 at Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council, naghatid ang Air Force ng relief supplies sa mga isolated at disadvantaged sa Sta. Margarita at Baggao sa Cagayan.

Kahong-kahong family food packs, hygiene at sleeping kits mula Department of Social Welfare and Development ang kanilang dala at ipinamahagi sa mga apektadong residente. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us