Pinagbigyan ng House Blue Ribbon Committee ang temporary furlough para sa apat na opisyal ng Office of the Vice President na una nang pinatawan ng contempt.
Partikular dito sina Special Disbursement Officer Gina Acosta, dating DepEd SDO Edward Fajarda, Dating Assistant Secretary Sunshine Fajarda at Assistant Chief-of-staff Lemuel Ortonio.
Ipinunto ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano, dahil sa kusa namang sumuko ang apat at humarap sa pagdinig ukol sa isyu ng confidential funds kaya hindi na sila idedetine.
Ito ay sa kondisyon na babalik sila sa susunod na pagdinig.
Sabi naman ni Manila Rep. Joel Chua, chair ng komite, mukha namang sinsero ang apat kaya inaprubahan ng komite ang furlough.
Gayonman, hindi pa rin lifted o iniaalis ang contempt order laban sa kanila. | ulat ni Kathleen Forbes