Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Albay, ipinagpaliban para bigyang daan ang paghahanda sa posibleng pagtama ng bagyong Pepito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na muna itutuloy ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Albay na dapat ay gaganapin sa November 15.

Ito ay bilang pagtalima sa gabay ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council dahil na rin sa banta ng bagyong Pepito.

Gayundin ay matiyak na makapaghanda para sa bagyo at masiguro ang kaligtasan ng lahat ng residente.

Batay kasi sa pagtaya ng PAGASA, kung pagbabasehan ang kasalukuyang galaw ng Tropical Storm Man-Yi o Pepito oras na pumasok sa loob ng bansa, pinakamalapit ang mata ng bagyo sa Libon Albay, Sabado ng umaga.

Ang naturang BPSF ay tatawaging Tabang Bicol, Tindog Oragon Relief and Rehabilitation Caravan.

Bukod sa Albay, idaraos din ang dapat ito Camarines Norte at Camarines Sur.

Wala pa namang anunsyo kung kailan ang magiging bagong petsa ng Serbisyo Caravan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us