Nasa 13 lalawigan ang nakatakdang bisitahin ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa unang quarter ng 2025 ayon kay Deputy Secretary General Sofonias Gabonada na siya ring lead ng BPSF National Secretariat.
Partikular sa mga nakalinyang probinsya ang Albay, Sorsogon, Camiguin, Quezon, La Union, Tarlac, Pangasinan, Nueva Ecija, Davao Oriental, North Cotabato, Misamis Occidental, Bohol, at Aklan.
Ang BPSF ang pinakamalaking serbisyo at convergence caravan ng bansa na layuning ilapit sa mga Pilipino ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno.
Kabilang ang tulong-pinansyal, programang pangkalusugan, suporta sa pabahay, emergency employment, at mga clearance mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Sinabi ni Gabonada, target nila na maserbisyuhan ng BPSF ang two-thirds ng mga probinsya sa bansa.
Ang BPSF sa Samar naman aniya ang magsisilbing huling event para sa 2024. | ulat ni Kathleen Jean Forbes