Lumakas pa at nasa typhoon category na ang Bagyong Nika habang nasa karagatan ng Aurora.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 100km silangan timog silangan ng Casiguran, Aurora, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 150 km/h.
Nakataas na ang Signal no. 4 sa:
Northernmost portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran), central at southern portions ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Roxas, Burgos, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, Gamu, San Manuel, Aurora, San Mateo, Cabatuan, Alicia, Luna, City of Cauayan, Angadanan, Quezon, Mallig, Quirino, Ilagan City, Delfin Albano, San Agustin), southeastern portion ng Abra (Tubo, Boliney, Daguioman, Bucloc, Malibcong), central at eastern portions ng Mountain Province (Sadanga, Bontoc, Barlig, Natonin, Paracelis), eastern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Mayoyao, Alfonso Lista), at western at southern portions ng Kalinga (Tanudan, Tinglayan, Pasil, Lubuagan, Balbalan, City of Tabuk).
Nasa Signal no. 3 naman ang mga lalawigan sa:
Northern portion ng Aurora (Dinalungan), northeastern portion ng Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Quezon, Solano, Villaverde, Kasibu, Ambaguio, Bayombong), northern portion ng Quirino (Diffun, Cabarroguis, Aglipay, Saguday, Maddela), nalalabing bahagi ng Isabela, southwestern portion ng Cagayan (Enrile, Solana, Tuao, Tuguegarao City, Rizal, Piat), nalalabing bahagi ng Abra, southern portion ng Apayao (Conner, Kabugao), nalalabing bahagi ng Kalinga, nalalabing bahagi ng Mountain Province, nalalabing bahagi ng Ifugao, northern portion ng Benguet (Buguias, Mankayan, Bakun), southern portion ng Ilocos Norte (Laoag City, Sarrat, San Nicolas, Piddig, Marcos, Nueva Era, Dingras, Bacarra, Solsona, Paoay, Currimao, Pinili, Badoc, City of Batac, Banna), at Ilocos Sur.
Nakataas rin ang Signal no. 2 sa:
Central portion ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler), nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Quirino, northwestern at eastern portions ng Cagayan (Iguig, Peñablanca, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Gattaran, Lasam, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga), nalalabing bahagi ng Apayao, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, La Union, northeastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug), at northern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City)
Habang nasa ilalim ng Signal no. 1 ang:
Nalalabing bahagi ng Aurora, nalalabing bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng Pangasinan, nalalabing bahagi ng Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Tarlac, northern at central portions ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso), Metro Manila, Rizal, eastern portion ng Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Pila, Victoria), northern at eastern portions ng Quezon (Calauag, Infanta, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban, Perez, Real, General Nakar, Tagkawayan, Guinayangan) including Pollilo Islands, Camarines Norte, at northeastern portion of Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Garchitorena, Lagonoy)
Batay sa forecast track ng PAGASA, maaaring mag-landfall ang Bagyong Nika sa Isabela o hilagang Aurora ngayong umaga.
Tatawid ang bagyo sa kalupaan ng Luzon at lalabas sa karagatang kanluran ng Ilocos Sur ngayong gabi.
Samantala, isa na ring bagyo ang LPA na binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR. Inaasahang papasok ito sa bansa bukas at tatawaging Bagyong Ofel. | ulat ni Merry Ann Bastasa