Inaasahan ng PAGASA na hihina na ang Bagyong Ofel habang tinutumbok ang Luzon Strait.
Huli itong namataan sa layong 100km hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120km/h malapit sa gitna at pagbugsong 150km/h.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang Signal no. 3 sa western portion ng Babuyan Islands (Calayan, Is., Dalupiri Is., Fuga Is.), northwesternmost portion ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes), at northernmost portion ng Ilocos Norte (Pagudpud).
Signal no. 2 naman ang umiiral sa nalalabing bahagi ng Babuyan Island, northwestern portion ng mainland Cagayan (Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros), northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela), at northern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bacarra, Adams, Dumalneg, Vintar, Bangui, Burgos, Pasuquin, Carasi).
Habang nasa ilalim din ng Signal no. 1 ang Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, northern portion ng Isabela (Quezon, Cabagan, Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini), nalalabing bahagi ng Apayao, Kalinga, northern at central portions ng Abra (Manabo, Pidigan, Tayum, Langiden, Boliney, Sallapadan, Bucloc, La Paz, Peñarrubia, Dolores, Bangued, Bucay, Daguioman, Lacub, Tineg, Lagayan, Licuan-Baay, Malibcong, San Juan, Lagangilang, Danglas), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, at northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, San Ildefonso, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Vicente).
Inaasahang lalabas na ng PAR ang Bagyong Ofel mamayang hapon.
Samantala, lumakas pa at malapit na sa Typhoon Category ang Bagyong Pepito.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 795 km silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong 135 km/h.
Signal no. 1 ang nakataas ngayon sa:
Catanduanes, eastern portion ng Camarines Norte (Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud), eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, San Jose, Lagonoy, Tinambac, Goa, Siruma, Tigaon, Sagñay, Calabanga, Naga City, Magarao, Bombon, Pili, Ocampo, Iriga City, Buhi), eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, City of Tabaco, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Legazpi City, Malinao, Manito, Tiwi), at eastern at southern portions ng Sorsogon (Juban, City of Sorsogon, Barcelona, Bulusan, Magallanes, Gubat, Santa Magdalena, Casiguran, Bulan, Irosin, Matnog, Prieto Diaz, Castilla) kasama pa ang Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Jipapad, Maslog, Oras, Dolores, Can-Avid), at northeastern portion ng Samar (Matuguinao, San Jose de Buan)
Sa kasalukuyang track forecast, maaaring mag-landfall ang Bagyong Pepito sa silangang baybayin ng Central Luzon at/o Southern Luzon sa darating na weekend.
Patuloy ding lalakas ang Bagyong Pepito at magiging isang typhoon sa susunod na 12-oras, at maaari pang umabot sa kategoryang Super Typhoon bukas ng gabi. | ulat ni Merry Ann Bastasa