Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kabuuang balance of payments (BOP) deficit ng bansa sa $724-M para sa buwan ng Oktubre.
Ayon sa BSP ang deficit o kakulangan ay dulot ng mga pag withdraw ng National Government sa foreign currency upang bayaran ang mga utang panlabas at para pondohan ang iba’t-ibang gastusin ng mga gobyerno.
Sa kabila ng deficit noong Oktubre 2024, nakapagtala naman ng $4.4-B surplus mula January to October 2024, mas mataas kumpara sa $3.2-B surplus sa parehong panahaon noong 2023.
Paliwanag ng Sentral Bank, ang surplus at resulta ng tuloy- tuloy na net inflows mula sa remittances, trade in services at net foreign borrowings i-dagdag pa ang net foreign direct at portfolio investments.
Samantala, ang Gross International Reserves (GIR) ay bumaba sa $111.1-B para sa Octubre kumpara sa $112.7-B nuong September 2024. | ulat ni Melany Reyes