Lumago ang 10.6 percent year-on-year ng mga pautang ng universal at commercial banks ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa buwan ng October 2024.
Bahagyang mas mabagal ito kumpara sa 11.0% na paglago noong Setyembre.
Sa buwanang batayan na may pagsasaayos para sa seasonality, tumaas ng .9% ang mga outstanding loan ng mga bangko hindi kasama ang reverse repurchase placements.
Base sa datos, ang pautang sa residents loans ay tumaas ng 10.7% noong Oktubre mula 11.2% noong September habang ang pautang sa mga non-resident ay lumago ng 6.8% kumpara sa -0.3%.
Samantala, kasama sa mga sektor na tumaas ang paglago ng bank lending ang production, real estate, wholesale retail, repair of vehicle and motorcycle, at manufacturing at ang consumer loan.
Titiyakin ng BSP, na ang kalagayan ng domestic liquidity at lending ay naayon sa kanilang pangunahing mandato na panatilihin ang presyo at financial stability sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes