Agad na sisimulan ng Department of Agriculture sa disyembre ang bentahan ng Kadiwa ‘rice for all’ sa mga malalaking palengke sa Metro Manila.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, tuloy tuloy na ang mga pagpupulong para maplantsa ang magiging sistema oras na ibaba na sa palengke ang kadiwa rice.
Sa ngayon, may tatlong scenario na ring kinukonsidera ang DA: ang ibigay ang pagbebenta sa mga farmer coop na kapartner ng Kadiwa, pangasiwaan ito ng FTI o ang makipagugnayan sa market masters para sa posibleng pagsusuplay ng murang bigas sa mga nagtitinda sa Palengke.
Mananatili naman sa P42 ang kada kilo ng ibebentang bigas at wala pa ring magiging limitasyon.
Pagtitiyak pa ng DA, sapat ang hawak na suplay ng bigas ng FTI para sa pagarangkada ng kadiwa rice sa mga Palengke.
Umaasa naman ang DA na makatulong ang programa para mabawasan na ang mga ‘profiteering’ sa ilang Palengke at mahikayat ang mga rice retailer na magbenta ng murang bigas. | ulat ni Merry Ann Bastasa