Ginawaran ng retirement honors ang dating hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) na si Fire Director Louie Puracan, CEO VI sa BFP headquarters sa Quezon City.
Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Serafin Baretto Jr., ang retirement honors para kay Puracan.
Dumalo rin sa nasabing okasyon ang Command Group ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni PNP Chief General Rommel Marbil.
Sa kanyang farewell address, nagpasalamat si Dir. Puracan sa kanyang mga kasamahan, mentor, at mga tauhan na sumuporta sa kanya sa loob ng 34 na taong paglilingkod sa publiko.
Kinilala rin ng DILG ang mahaba at makabuluhang paglilingkod ni Puracan sa BFP at sa sambayanang Pilipino.
Sa isang pahayag, sinabi ng DILG na ang kanyang matibay na pamumuno ay naging pundasyon ng mahahalagang tagumpay ng BFP, kabilang na ang pagpapatupad ng BFP Modernization Act. | ulat ni Merry Ann Bastasa