Umapela ngayon si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa pamahalaang nasyunal na ikonsidera ang paglalabas ng dagdag na pondo para sa iba’t ibang recovery activities kasunod ng pagtama ng bagyong Kristine sa lalawigan.
Kasama na aniya dito ang pondo para sana sa dredging ng Bicol River.
Hiling din ng kinatawan na mapaglaanan ng alokasyon ang shelter assistance para sa pagtatayo ng panibagong tahanan ng nasa 18,000 na pamilya at pagkukumpuni ng partially damaged houses para naman aa may 38,000 higit na pamilya.
Mahalaga rin aniya ngayon ang pagkakasa ng mga medical assistance para maiwasan ang pagkalat ng sakit gaya ng diarrhea at leptospirosis lalo na sa mga lugar na lubog pa rin sa tubig baha.
Panawagan din ng CamSur solon ang tulong para sa higit 165,000 na manggagawa sa sektor ng agrikultura na nasira ang mga pananim at kagamitan dahil sa bagyo.
📸 OCD